Categories
Archives
Affiliates
  • Adamson University
  • AdU Computer Society
  • Alas Filipinas
  • Ang Sa Wari Ko
  • Backpacking Philippines
  • Crossbeak
  • Ellen and Blair
  • Erwin Ilao’s Own Legacy
  • Kronikel
  • Mickee
  • Musings, Mutterings, Murmurings
  • Raul Agner
  • Skirmish of Dark and Light
  • Skirmisher
  • Stellar
  • The Deity
  • The Onlooker
  • Tutubi
  • Unleash the Balderdash
Misc


Just passing by
August 27th, 2008 posted by paniking_gutom under Adamson Chronicle. [ Comments: 27 ]

     Medyo matagal rin akong nawala sa eksena dito sa adamsonian.com at nagulat ako sa aking inabutang maaanghang na palitan ng diskuyon at kuro-kuro. Nakakatuwa. Nakakalungkot. Pero dapat may natututo.

     “Hindi Pula’t dilaw ang tunay na magkalaban…” -tatsulok by Noel Cabangon

     Ano ba talaga ang issue? Ang lumang Kronikel o ang bago? Ang article na PBB o ang pangit na layout? Si tikgirl, Gervic, The onlooker o si Ms. Paredes? Baka naman si Invader Zim at ang animo’y nawawalang magandang camera na kronikel? Sa totoo lang, wala sa nabanggit ang issue. Ang totoong issue ay ang kalagayan ng Adamsonian noon, ngayon at ang magiging kalagayan nila sa hinaharap.

     TFI o Tuition Increase. Tama si onlooker. Lumang issue. Pero taon-taon nandiyan pa rin. Kung hindi ako nagkakamali, may panahong napigilan ng Kronikel sa tulong na rin ng AUSG at mga estudiyante and pagtaas ng matrikula. History repeats itself. Nagawa noon, magagawa rin ngayon. Siguro’y kailangan lang mag eksperimento para muling mapigilan ang pagtaas ng matrikula.

     “Unexperienced writers and editors”. Sa tingin ko dapat ibasura na muna natin ang ideyang ito. As long as ang bawat isa ay handang matuto walang magiging problema diyan.

     “Old Kron VS New Kron”. Parang balita lang iyan. There’s no such thing as good news or bad news ergo walang bago at lumang Kron. Iisang dugo lang tayo pero may iba’t-ibang ideya. Subukan nating pag-isa-isahin at itama ang pagkakamali ng bawat isa.

      Para sa mga taong involved sa diskusyon dito. Relax lang. Set tayo ng date tapos kita-kita tayo para mas maganda. Para mawala angas nating lahat. O kaya gumawa tayo ng monthly meeting sa luneta para mapagusapan natin ang mga plano para mas mapaganda ang Kronikel. Para sa mga interesado, email niyo ako.

paniking_gutom@rock.com

 

 



paniking_gutom has blogged 5 posts



Ang pakikipagtalik sa kalungkutan
December 6th, 2007 posted by paniking_gutom under Literary. [ Comments: none ]

“Sinong nagliligtas sa mga superhero kapag nangangailangan sila ng tulong?”

Tumingin ako sa kaniyang mga mata at sinabing.
“Si Godot.”
Tiningnan niya rin akong pabalik.
“Hindi ba si God?”
“Hindi naman nageexist si God e. Kaya si Godot ang safe na answer.”
“Saan ko siya matatagpuan?”
Tumayo siya na para bang nagmamadali at excited na makita si Godot.
“Si Godot ay matatagpuan sa puno ng Bu.”
“Nasaan ba iyon? Tumayo ka na diyan, samahan mo ako!!!”
“Ang puno ng Bu ay nakatanim sa puso ko.”
Sabay tawa ko ng malakas. Subalit hindi niya ininda to, sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at pinilit akong tumayo.
“Puwede bang sa akin na lang ang puso mo? Wala naman nagmamay-ari niyan eh.”
“Meron no. Ang puno ng Bu ay nakatanim sa puso ninuman.”
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at tinulak siya ng bahagya sabay tumalikod.
“Wala akong puso. Pahiramin mo na lang ako kung ayaw mong ibigay sa akin.”
Muli akong humarap sa kaniya.
“Pumunta ka ng Heart Center o kaya manghiram ka sa pusa.”
“Ayoko ng literal na puso. O sige, ihanap mo na lang ako.”
“Hindi hinahanap yun. Kusang dumarating.”
“Sawa na akong maghintay. Maghintay sa wala.”
“Bakit hindi ka bumalik sa pinanggalingan mo? There’s no place like home.”
Siya naman ang tumawa ng malakas.
“Lahat kayo ay ganiyan ang payo sa akin. Sa palagay mo ba ay may mukha pa akong
ihaharap sa kaniya matapos ang lahat ng nangyari sa amin? Matagal ko nang gustong
bumalik kaso natatakot ako na baka muli akong umalis at muli ko lang siyang masaktan.”
“Ganun talaga. Ikaw ang kusang umalis kaya wala kang karapatang bumalik. The rules of love is often childish.”
Muli akong tumalikod at tuluyang umalis. Paglingon ko ay muli ko siyang nakitang nakaupo. Hindi na ako bumalik.
________
Ang istoryang ito ay nagsimulang mabuo dahil sa konbersasyon ko kay tikgirl sa pamamagitan ng text. Halos 90% ng laman ng kuwento ay palitan namin ng mensahe sa isa’t-isa. Muli, maraming salamat sa panahon. Wala rin akong maisip na title kaya yung pabotritong linya ni tata buto ginamit ko.


Tags: Adamson+University, Adamsonian

paniking_gutom has blogged 5 posts



What’s inside Sophie’s mind
December 5th, 2007 posted by paniking_gutom under Literary. [ Comments: 1 ]

“Can somebody turn on the light?”

Then the light turned on. She saw herself sitting in a corner facing a six foot tall mirror.
“Hello. Is anyone here?”
She looked around. The room is painted in black with red graffiti on its four walls. No doors, no windows. The only thing that she can see is the mirror in front of her.
“Where am I?”
She said to her image in the mirror as if she is talking to somebody.
“You’re in an empty room, my darling.”
A voice suddenly came out of nowhere.
“Who are you? Where are you?”
She asked.
“Who do you think am I?”
“God?”
“God? Haha!”
“Why?”
“Why did you think that I am God? You don’t believe in God. Do you?”
“I don’t. But in times like this, when you cannot see anything but yourself in an empty room, the only being that you can think talking to you is God. Unless we’re in a reality TV show.”
“Says who?”
“The Bible. I used to read it when I was young.”
“You said that the Bible is only a fiction. So you believe in fiction?”
“Can you just stop interrogating me? I don’t have time to answer all your questions. Can you just tell me who are you?”
“What if I tell you that I am a lizard?”
“Nonsense. Lizards can’t talk.”
“That’s what you believed.”
“That’s a fact.”
“What is fact?”
“Can we just stop this nonsense?”
“That’s the problem with you my darling. You always ask questions but when you are being asked it is nonsense. If you’re question has been answered it’s still nonsense.”
“You’re not taking me seriously.”
“I am serious. I am a Lizard.”
“Ok. First, let me just reiterate that there is no talking lizard in the history. Second, the room is empty. All I can see is a mirror. And lastly, I will not talk anymore because I believe that this is only a dream or a nightmare so it’s either I will wake up or won’t wake up anymore.”
“Ok. First, what history books have you read? As far as I know, the death of Fidel Castro is not in Philippine history. Second, Have you tried to check the back of the mirror before you conclude that the room is empty? Since we started this conversation, you haven’t move there. And last, let me also inform you that it is not a dream. I assure you.”
She tried to stand up. Her whole body suddenly is shaking. She’s afraid of Lizard. What more of a talking one?
She move closer to the mirror and looked at the back of it and there it is. It is really a Lizard.
“You’re really a Lizard. Just don’t get out there unless I say so. I’ll go back at the corner and sit there.”
Then she went back at the corner.
“Now, can you tell me why we are here?”
“Wait my darling. Men are the most intelligent animal in the planet? Why ask a lizard?”
“As far as I know, there is no talking lizard.”
“Hahaha. Now you’re getting it. See, life is easy. Don’t make it complicated. There are only two options. It’s either you go with the flow or againts it.”
“What’s your point?”
“The point is, we both chose to go against the flow. That’s why we’re here.”
“So you’re telling me that the reason why we are here is because we are different from our species?”
“Maybe. Maybe not. Try to look at the mirror again. What can you see?”
“I can see myself in a white blouse and a skinny jeans.
“Now you figure it out. Except that you’re not really a human being. You’re a cockroach.”
____________
This is my very first time to write an English article in my whole life. So any grammar lapses, I apologize. (Just kindly inform me). The story might be weird but it only tells us one thing. Just figure it out. I don’t want to spoil it!



Tags: Adamson+University, Adamsonian

paniking_gutom has blogged 5 posts



Walang katapusang digma
December 3rd, 2007 posted by paniking_gutom under Uncategorized. [ Comments: none ]

 

 

Pasado alas-12 na ng tanghali ng matapos akong maligo. MEdyo inaantok pa ako sapagjat kakagaling ko lang sa trabaho kinagabihan. Subalit ang aking antok ay tinalo ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Medyo kinakabahan at excited ako sapagkat ngayong araw na ito’y muli kong babalikan ang lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan.
     Alas 2:30 ng hapon nang makarating ako sa liwasang Bonifacio sa maynila. Ang dating tahimik na lugar ay binuhay ng mga sigaw ng taong naroon. Ang mga palkard at streamer ang nagbigay payong laban sa mataas na sikat ng araw., at ang rebulto ni Bonifacio ang naging saksi sa mga pangyayaring ito. Estudiyante, manggagawa, magsasaka at iba pang sektor ng lipunan ang muling nagsama-sama at nagkaisa. Ilang minuto pa ang lumipas, nagsimula ng manawagan ang isa sa mga speaker ng programa upang magmartsa patungong Mendiola.
     Alam ng lahat na imposibleng muling makaabot ng mendiola sa higpit ng seguridad na inilatag ng Malakanyang subalit ang pagiging imposible nito ang nagbigay apoy sa mga puso ng mamamayan na naroon noong mga oras na iyon. Pagdating sa tulay papuntang Quiapo, bumilis ang martsa. Ata ng kaninang lakad ay naging takbo. Nagtaasan ang karamihan ng kanilang mga kamao at sabay-sabay na nagsigawan. Mahigit isang taon na akong hindi nakakasama sa rally pero sa totoo lang, hindi ako napagod sa pagtakbo at pagsigaw (medyo sumakit lang yung katawan ko pagkatapos ng rally). Hindi rin pumasok sa isip ko na umuwi na lang at matulog kahit na alam kong may pasok pa ako sa trabaho (medyo nakatulog lang ako ng huminto na kami sa ilalim ng lrt station).
     Abot kamay na namin ang mendiola ng kami ay napatigil dahil naharang na ang grupo. At katulad ng dati, pinilit naming makipagnegosasyon para maabot ito. Subalit  patuloy na nakipagmatigasan ang mga pulis, hindi nila kami pinatuloy kung kaya’t ipinagpatuloy na lang namin ang programa at protesta sa gitna ng kalsada patungong Mendiola.
     Hindi man namin naabot ang Mendiola, subalit umuwi kaming puno ng pag-asa, na balng araw ay muli namin itong mararating katulad ng pag-asang lalaya rin ang bayan natin.
_______
     Araw-araw ay puno ng digmaan ang ating mundong ginagalawan. Maging ito man ay pangkalahatan o personal. Totoong may mga bagay na mahirap o imposibleng baguhin, pero naitanong na ba natin sa ating mga sarili, “Sinubukan ko na bang baguhin ang ang mga bagay na alam kong imposibleng makamtan? Ilang beses na ba akong nabigo? Sinubukan ko na bang muli itong baguhin?”
     Tandaan natin, ang imposible’y salita lamang. Ikaw, ako, tayo ay hindi.



paniking_gutom has blogged 5 posts



Alaala ng paniking gutom
November 29th, 2007 posted by paniking_gutom under Uncategorized. [ Comments: 2 ]

Isang araw na wala akong magawa sa aking kuwarto, napagpasyahan kong mag-ayos ng mga lumang gamit na matagal ko na ring hindi pinapasin (ilang beses ko nang tinangkang ayusin ito pero bunga na rin ng katamaran ay hindi ko nagagawa). Siguro’y may dalawa o higit pang taon na itong nakatago sa cabinet na kinalalagyan nito kung kaya’t sobrang kapal na ng alikabok na bumabalot dito.

     Habang hinahalungkat ko ang mga gamit sa loob ng cabinet, may mga ilang bagay ako na napansin. CD’s (porno, music atbp.), Notebooks at mga ilang litrato na hindi ko malaman kung bakit hindi ko naisipang ilagay sa album. Mga alaala ng lumipas na kahapon. Una kong tiningnan yung dalawang notebook na nakalagay sa isang plastik.
     Yung unang notebook ay may cover na pinagdikit-dikit na ghost fighter na teks. Notebook ko ito ng grade six at first year highschool ako. Binasa ko ang mga nakasulat…
….Take me to your heart
Show me where to start
Got to play the part of your first love…
     Wow! Ito yung mga kantang binabanatan ko dati habang ako’y nagpapa-cute sa mga kaklase at kaibigan ko (Oo, bata pa lang ako mahilig na akong ma-inlove sa kaibigan). Hindi ko maiwasang mapangiti at tuluyang tumawa sa nakita ko. 1998-1999 nung ako ay nasa first year highscool. Wala pang sampung taon ang naklipas, pero, parang hindi yata ako yung nagsulat ng mga lyrics na yun. Lalo na kung pagbabasehan ko ang tugtog ng radyo sa aking likuran. Nakangiti kong ibinaba yung notebook at pinulot yung isa.
     Blue naman ang cover ng notebook na ito at may simbolo ni Batman na nakadikit sa harapan. Ito ang notebook na ginamit ko simula second year highschool at third year highschool. Sa notebook na ito muling nagpatuloy ang kabanata ng aking buhay. Sa mga panahong yun kasi ay medyo nahilig akong magsulat kung kaya ang laman ng notebook na ito ay mga tulang aking ginawa. Karamihan dito ay tungkol sa pag-ibig, pamilya at sa medyo bandang huli ay galit na nararamdaman ko sa mga bagay-bagay. Medyo natuwa rin ako dahil doon ko napansin na simula pagkabata ay nandun na talaga yung angst sa katawan ko. At katulad kanina, narealize ko na parang hindi na ako ang nakikita ko sa tuwing humaharap ako sa salamin.
     Sunod kong kinuha ang mga litratong nakalagay sa isang maliit na kahon.
     Siguro’y wala pang sampung piraso ang mga litratong nakita ko. Ang iba rito ay litrato ng libro, mga dating kasama ko sa diyaryo (The Adamson Chronicle) at mga welga at rally na aking napuntahan. At muli, ang mga ala-ala ay nagsipasukan sa aking utak.
     Naalala ko yung mga panahong, papasok ako ng eskuwelahan pero hindi ako papasok ng klase. Sa halip ay didiretso ako sa opisina namin na tila nasa tuktok ng daigdig. Ito yung mga panahong sa halip na nagbabasa ako ng textbook para matuto ng economics, basic programming at biology ay mas pinili ko pang magbasa ng libro ni Marx, Kant, Gibran, Nietzche at Bob Ong (kahit na aminado akong nahihirapan akong intindihin ang mga ito puwera sa huling author). Ito yung mga panahong ang juice, fried chicken, ham, noodles at iba pang pagkain ay nasa iisang inumin lang. Kape. Mga panahong mas makapal pa ang eyebag sa aming mata kaysa sa bilbil ng aming tiyan. Mga panahon ng debate, pakikipagusap sa sarili, paglalaro ng starcraft at pagsesenti sa veranda ng opisina ang libangan. Mga panahong naglahong parang bula. Mga panahong nasayang. Pero kailanman ay hindi pinagsisihan. 
     Sinubukan kong tigilan ang pag-eemote ng makita ko ang ilang CD sa parehong lalagyan kung nasaan ang mga litrato. Subalit hindi dito nagtapos ang paggunita sa mga ala-ala.
     Laman ng mga CD ang huling outing ng mga taga Kronikel sa Balayan Batangas. Ang mga tawanan, kantahan at biruan ng isa’t-isa. Ang mga kasama sa publikasyon na itinuring ng kapamilya at parte ng buhay. Doon ko napatunayan na ang alaala, mga tao, bagay o lugar ay talagang hindi nakakalimutan ng tao. Ito’y nakatago lamang at kinakailangang may mag-trigger upang ito’y muling maisa-isip.
     Hindi lang mga taga-kronikel ang nasa video, siyempre kasama ko dito ang dati kong pag-ibig. Ang taong patuloy na sumuporta (at sumusuporta) sa aking ginagawa. Ang taong pumupuri sa lahat ng achievements ko at ang taong bumabatok sa akin sa tuwing ako’y may pagkakamali.
     Nakakatuwang isipin na naitago ko ang mga bagay na ito. Nakakalungkot lang sapagkat ang mga masasayang sandali ay alaala na lang.
     Ngayon, sa tuwing haharap ako sa salamin, wala na ang eyebag sa mata, malaki na ang tiyan, masarap ang buhay pero nag-iisa. Masaya pero may kulang. Hindi ko alam kung ako pa rin ba ang nag-iisang paniking gutom ng kronikel o isa na rin lang akong alaala. Pero kung iisipin natin, tayo ang gumagawa ng sarili nating kinabukasan. Tayo rin ang gumagawa ng mga alaala. Nasa sa atin kung panghahawakan at ipagpapatuloy natin ang magagandang nangyayari sa ating buhay o ito’y papabayaan natin.
     Para sa mga taga kronikel at sa taong minahal ko at minahal ako ng lubusan, salamat at patawad sapagkat ako’y nagkulang.
_________
     Sa loob ng mahigit dalawang taon, ngayon na lang ulit ako nakapagsulat ng column. Nakakalungkot lang kasi wala ng diyaryong tatanggap nito. Mabuti na lang at may mga websites kung saan puwede ko itong i-post. Salamat sa teknolohiya.



paniking_gutom has blogged 5 posts


 


Join Or Log-in
Subscribe

    Or subscribe to Adamsonian by Email
Contact Us
Send your tips, comments, suggestions to: magnus@adamsonian.com
Donate to Adamsonian
Feel free to donate any amount so we can buy a 150cc all-terrain vehicle and a Boyoyong clown that we can use to promote this site around campus.
Live Chat
Latest Message 1 day, 22 hours
  • invaderzim : The past is dead. Those who do not change will die.
  • diko38 : stressec
  • invaderzim : so baka next sem,tataas nanaman ang tuition.dahil tataas nanaman ang level ng skul.kung makapapasa nga.hehe
  • invaderzim : kazi may accreditation pala ang adu.hehe
  • invaderzim : ayun,ginawang alipin kahapon ang mga studs.pinaglinis ng skul.pinagpintura, walis,linis,pintura,etc. kapalit nun eh pagpasok ng nakacivilian at walang klase.(daw?)
  • anNe : musta adamsonian?
  • anNe : ;p
  • anNe : :p
  • invaderzim : ?
  • paniking_gutom : may naka sign in ba??
  • Ramon Millonte : hi
  • invaderzim : eh?
  • adventurera : musta?
  • paniking_gutom : may ganito pala dito.
  • paniking_gutom : hmmm.
  • adventurera : haha cge ayos yan
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : bago ako grumad aakyat din ako eh.sana
  • invaderzim : cge cge
  • adventurera : haha yan saya bago magsembreak punta ko
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : yeah!
  • adventurera : haha smahan mo ko. kitakits tau nila jes
  • invaderzim : heheh
  • invaderzim : hehe,,hmm...oo?umakyat nko last time eh.kaso tatlo lang ata naabutan ko eh.si jen yungisa dun.gusto ko rin kasi mameet ang mga taga grafix dept.
  • adventurera : mababaet naman ang mga bagong chroniclers db? hehe sana tumatanggap cla ng unwanted visitors
  • invaderzim : dehinz mo nmn kelangn ng old id.bisitors pass ayuz na,sbhin mo dadalawin mo lng mga taga sshhronicles.
  • invaderzim : ahahahaha..infaltable? pede naren!!!
  • adventurera : basta kuha niu ko bwisitors pass magpapacheeseburger tuloy ako hehe
  • adventurera : haha inflatable na camle
  • invaderzim : buhay ba?baka mamya nakalata na yung iuwi mo eh.
  • invaderzim : woiy!!talga?camel???
  • adventurera : haha kuha niyo ko bwisitors pass wla na ung id ko eh... uuwian ko ng camel ang magppasok skin ehehe...wish ko lng
  • invaderzim : hehe,hmmm..pede nmn cgro yun.sana lang tumatanggap sila ng mga thunders?hehe thunders naren ba ako?haha
  • adventurera : pwde bang bumisita sa tac? gusto ko ulit makita ang view sa penthouse haha... kelan sembreak?
  • invaderzim : heto ayuz namn?kamusta ofiz?pede bang bumisita
  • invaderzim : hahaha..hinde...kasi..hindi nmn ako ganun!haha.
  • THE ONLOOKER : @invaderzim: Bakit hindi ka ba komportableng tawaging pogi? Hehehe! Musta?
  • invaderzim : eh?
  • THE ONLOOKER : @adventura: Laglag na tayo sa UAAP. Ateneo vs. DLSU na sa Sunday.
  • THE ONLOOKER : Kumusta na ang pogi at magaganda kong mga schoolmate at mga kagalang-galang na alumni?
  • adventurera : anu b latest?
  • adventurera : ano na latest?
  • invaderzim : W L Ateneo Blue Eagles : 7 - 1 De La Salle Green Archers : 6 - 2 FEU Tamaraws : 5 - 3 UE Red Warriors : 5 - 4 UST Growling Tigers : 4 - 4 Adamson Falcons : 2 - 6 UP Fighting Maroons : 2 - 7 NU Bulldogs : 2 - 7
  • invaderzim : huh?kasali pba adamson sa uaap?kala ko nag-inter baranggay nalng sila?
  • mayilow : wala nakakahiya. Dont ask na lang dont bother just concentrate on your studies.
  • spider_sense07 : anu na po standing ng AdU s UAAP?
  • spider_sense07 : hi adamsonians
  • bedshaker : anu na pagusapan
  • bedshaker : ui

Please log in to chat

Most Commented Posts
Community
Recent Posts
Recent Commentors
Members
    794 registered users
    226 online guests
Slashdot Headlines