Categories
Archives
Affiliates
  • Adamson University
  • AdU Computer Society
  • Alas Filipinas
  • Ang Sa Wari Ko
  • Backpacking Philippines
  • Crossbeak
  • Ellen and Blair
  • Erwin Ilao’s Own Legacy
  • Kronikel
  • Mickee
  • Musings, Mutterings, Murmurings
  • Raul Agner
  • Skirmish of Dark and Light
  • Skirmisher
  • Stellar
  • The Deity
  • The Onlooker
  • The Spinal Tap
  • Tutubi
  • Unleash the Balderdash
Misc


Para sa minamahal kong mga Adamsonian
February 15th, 2008 posted by THE ONLOOKER under Adamson Chronicle

Ang buong Adamson Chronicle editorial board ay nagalak sa aming unang labas na isyu, bagamat hindi maiwasang magkaroon ng mga kamaliang hindi naming inaasahan. Hindi naging maganda ang mga litrato lalo na sa loob na pahina dahil ito ay masyadong dumilim. Nahirapan kaming kumuha ng mga litrato at karamihan pa yun ay kuha sa aking personal na camera. Sinabi ng mga marurunong, baka ang problema ay sa nag-imprenta o ang gamit na papel. Maraming beses namin itong pinrint sa A3, ngunit wala naman na ganung problema. Hindi nakapaglabas ng “test copy”, kaya sa susunod, pipilitin naming makita kung anong kakalabasan bago pa man ito ipamahagi sa buong unibersidad. Tao rin kami at nagkakamali, hindi gaya ni tikgirl.

Makikita sa aming mga pahina ang pinagsanib na lakas naming sasampung estudyante (Ilan ba ang miyembro ng lumang TAC? Sumahin niyo nga ang mga ulong nagtatrabaho dati batay sa kanilang produksyon, sabay tignan ang iilang ulong taong gumagawa ng trabaho ng pang-maramihang tao ngayon), at hindi madali sa amin ang makakakuha ng impormasyon para sa aming mga sulatin. May mga iba pa kaming gustong ipanayam ngunit ang iba nama’y ayaw magsalita o ayaw magpasulat. Naiintindihan namin yun dahil mayroon silang karapatan dahil tao rin naman sila, at mas matatanda pa. Pero ang mahalaga, ang mga importanteng mga balita ay nailagay namin sa papel na dapat malaman ng mga etudyante, at sadyang pinagkakaguluhan sa bawat pasukan ng eskwela. Masaya rin ako dahil mas maraming natuwa kaysa sa mga perpektong taong mga walang pagkakamali na nagtaas ng kilay sa aming nagawa.
Kung babalikan na naman natin ang issue na TFI, parang walang nabago sa lumang Chronicle. Hindi na namin bubulatlatin isa-isa ang bawat sentimong nadadagdag dahil mas marami naman kaming maisusulat dahil sa pagmamatyag namin sa mga pangyayari sa paaralan. Hindi lang kami nagkukulong sa SV Penthouse at naghihintay ng maliit na butas na papalakihin, o sisibakin sa veranda. Tanggap naming lahat naman ng presyo ng bilihin tumataas, si Dagul lang ang hindi.
Hindi kami mga tuta ng administrasyon. Oo nga’t nakakasalamuha namin ang matataas na mga tao sa unibersidad, pero wala kaming nakukuhang pabor sa kanila. Mabuti pa ang sinaunang Chronicle, nasa kamay ninyo ang pera na binabayad ng mga mag-aaral. Malaya kayong gawin ang kahit ano sa opisina, kahit magpakain kayo ng buong sambayanan galing sa ref (Aba’y may dish organizer pa. LOL!), o magkainan sa dilim. Sa tuwing ako’y may kailangan akong panooring laro, sariling pera ko ang pinangpapasahe at pinangbabayad ko. Nung wala pa kaming kagamitan, ang computer ko ang ginagamit ko sa bahay pati ang mumurahing camera ako pang-kuha ng litrato. Nagbabayad kami ng sarili naming tuition fee, hindi gaya ng mga naunang Chronicle editorial boards. Naisip ko nga, mas mabuti pa ang magiging estado ng pamumuhay ko kung sumama na lang ako sa nagtatambol bawat laro, kaysa magpakapagod manood, magsulat, at maglitrato ng sabay-sabay na wala namang kapalit kundi pera at oras na sinasayang.

Tungkol sa layouting, kelangan naming sumunod sa kung anong software komportable ang mag-iimprenta. Binawi na lang namin yun sa dami ng nilalaman. Teka, di ba may Chronicle issue nasa likod ang Editorial page? Sinong may mas matinding pagkakamali, kami o sila?

Ang editorial ay naglalaman ng sariling opinyon ng mga aking ka-trabaho. Nakakahiyang sabihin, pero nasiwalat na ang baho ng lumang Chronicle. Bakit pa kailangan ng pruweba? E yung magandang camera nga ng Chronicle dati hindi na makita. Kailangan na kasi naming gamitin kaya kung hindi “nagnakaw” ang Chronicle dati, sana “isauli” niyo na dahil hindi naman inyo yan.

Hindi namin kasalanan ang Pinoy Big Brother article na yan. Lalong hindi namin kasalanan kung That’s Entertainment at Buddy and Sol pa rin ang gusto niyong panoorin. Hindi rin namin kasalanan kung mas masaya kayo gawaan ng review ang Wowowee (at sumasayaw kayo sa tuwing itutugtog ang “Sayaw Darling”) o Eat Bulaga (na may hindi mamatay-matay na mga matatandang corny na hosts). Ang Pinoy Big Brother ay isang produkto ng ebolusyon sa telebisyon, kung hindi ka nanonood nun, you’re so 1900’s pare. At sa darating na PBB: Teen Edition 2, mayroon ng nakapasok na Adamsonian. Inggit lang ang iba dahil ni sa eskwela natin, hindi sila sikat. Kaya inaantabayanan na lang nila ang kahindik hindik (pordyosanto) na kabanata ng Joachin Bordado.

Mabuti at hindi niyo tinira ang sports pages ko. Hindi ko nagawang mapaganda ang section ko dahil nalimitahan ako sa dami ng pahina, kaya hindi ako sinipag magsulat ng makabuluhang mga balita na gusto ko pa sana isulat. Hindi rin ako nakakuha ng magandang litrato para mapaganda pa lalo ito. Hindi nila mapuna puna ang pahina ko dahil alam nilang hindi karaniwang tao ang nakakagawa ng ganito.
Ang mensahe ko sa lahat ng mga estudyante na hindi mapirmi sa upuan kakabasa ng bagong Adamson Chronicle, sana tinanggap ninyo ang hamon ng OSA dati na buksan ang Chronicle at hindi kayo mamuna at magdadada ng kung ano-ano. Marami ang naghangad mapabilang, pero iilan lang kami ang natanggap dahil sa masinsinang pagpili ng mga marurunong (not necessary mga ubod ng galing). Kung sa tingin niyong mas magaling kayo sa amin, alam niyo kung saan ang opisina namin at gumawa kayo ng sulating magpapabilib sa amin.


Sa mga minamahal kong mga alumni, sana maintindhan ninyo na kami ay nagsisimula pa lamang. Kami ay mga estudyante rin, at binabalanse lamang namin ang natitirang oras namin sa pagsusulat. Hindi kami full-time reporters, at lalong wala kaming compensation. Pawis at dugo ang tumutulo sa amin para lang mabuhay at maibigay sa abot ng aming makakaya ang papel na minsan ng namatay.

BABALA: Ako’y kakagaling lang sa isang munting salo-salo ng aming magkakaibigan nung hayskul, malungkot sa aking personal na buhay, at nagpapakasaya sa usok at alak na hindi ko naman madalas ginagawa. Oo, lasing ako at wala sa sarili kaya gusto kong sagutin ang mga patutsada, kahit ayoko. Kaya sana’y mabatid ninyo kung may nasabi akong makakasakit sa inyo. Kung me problema kayo sa akin, hanapin niyo ako at magbasagan na lang tayo ng bungo sa harap ng San Marcelino. Hindi niyo ako kilala at ano ang abilidad ko kaya sana ayusin niyo ang buhay niyo. Kung gaano kayo kagaling magsulat, sana ganun rin kagaling mga kamao at ganun rin katigas mga panga niyo.



Share and Enjoy:
  • digg
  • Fark
  • feedmelinks
  • Furl
  • LinkaGoGo
  • Ma.gnolia
  • NewsVine
  • Netvouz
  • RawSugar
  • Reddit
  • description
  • Shadows
  • Simpy
  • Smarking
  • Spurl
  • TailRank
  • Wists
  • YahooMyWeb

Tags: , ,

About the author:

THE ONLOOKER has blogged 1 posts


Read the Comments

[ # 1658 ] Comment from Rastafariana [February 16, 2008, 5:30 am]

I understand your sentiments regarding the ciriticisms thrown against the maiden issue released by the new board. But to go all defensive and even almost borderlining bashing the previous terms I think is violating. You know, the reason why I was inspired to become a chronicler in the first place is because of the likes of Celia Clave,JB Lazarte,Alvin Julian and previous editors who had the guts to oppose the powers that be. So the old chroniclers made a mistake, but it doesn’t mean na itapon na lang natin lahat ng legacy nila. I am proud to be a former member of the chronicle. ikinahihiya ko ung mga grammatical errors ng writing ko (wehehe!) pero hindi ang mga naisulat ako. I was reckless, yes, but I would say that I reached out to the students and aired the general sentiment of the time.writing is about imparting knowledge, pagpukaw sa diwa ng mga estudyante, goading them to action when needed.Amira hass, a journalist, was right when she said that the role of the journalists is to monitor the centers of power.Pero hindi applicable sa iyo un dahil nga sports writer ka, iba ang field mo.Sabi nga noon ni F Sionil Jose, Write with all your senses, write because many of your country men are languishing in poverty.
Ano nga ba ang interes ng isang adamsonian?ano ba ang mga issue na nakakaapekto sa kanya whether sa loob ng university o sa lipunan?Ano bang bago ang maiimpart ng chroniclers sa estudyante?Ung tipong pag nabasa ng estudyante ang article masasabi nia na,teka, oo nga ano?pwede un ah!Why haven’t I realized that? ung mga ganun.Wala namang masama kung aktibista, I enjoy their company as long as hindi sila bigoted,hehe. Nasan na ang intellectual discourses ng chronicle? Has it become a teeny bopper publication? wag naman sana.
You have enumerated your sacrifices, well kami rin, we have endured a lot of sacrifices. I was with the publication for 3 years. naguumpisa pa lang kayo,ung sacrifices mo imultiply mo pa sa tatlo,un ang sacrifices ko nuon.I would not enumerate mine anymore, suffice it to say, ang course ko eh nagrerequire lang ng 5 year tenure but it became six and a half because of the chronicle.There were tears, pero mas maraming fulfillment.Part of what I am is because of the chronicle.Siguro pinakamainam one time magget together ang mga bago at dating editors ng chronicle then we will tell you stories and perhaps we could compare notes and learn from one another.And I hope the former grudges e itapon na.But as for me, the least that I can do for the new batch of writers is to motivate them and perhaps give them advise when needed.I haven’t seen the maiden issue but I know the efforts poured to it para mailabas lang.White garapata can give you helpful advises regarding the lay out as well as Beta Briones.Teka,san na nga ba itong si Beta? I will try to talk stiban_graffiti to it also. I hope the new batch will leave ample room for improvement. Whenever criticisms are thrown against your way, analyze it then determine what you can learn from it. Pano next time ulet?

[ # 1663 ] Comment from whitegarapata [February 16, 2008, 6:03 am]

hey onlooker, huwag ka muna magbilang ng sacrifices kasi given na yan eh. byword yan ng mga namumuhay na ipis sa penthouse. some of the past editors did not even graduate on time dahil sa pagmamahal nila sa TAC. kung kaya mo itong intindihin then congrats. (pero di ko sinasabing dapat mag overstay ka sa adu. hehe)

isa pa, ang dami mong ad hominem nakaka irita.

—->>>>>E yung magandang camera nga ng Chronicle dati hindi na makita. Kailangan na kasi naming gamitin kaya kung hindi “nagnakaw” ang Chronicle dati, sana “isauli” niyo na dahil hindi naman inyo yan.

fact: walang sariling camera ang dating TAC kaya walang ninakaw o pinuslit. sariling gamit ng mga photographer yun o hiniram sa mga kakilala naming taga architecture na pumasok pansamantala as graphic artist. Ask alfred jurcalis.

sabi ni voltaire, a witty saying proves nothing; but this article is just plain nothing. why not raise some facts or issues na makakatulong sa next issue?

excelsior!

[ # 1670 ] Comment from deity [February 16, 2008, 2:40 pm]

onlooker, keep your cool man. when criticisms are thrown your way, catch them and weave them into a golden robe.

walang suntukan. gawd. that is soooo highschool ha!

[ # 1675 ] Comment from stiban_graffiti [February 16, 2008, 3:02 pm]

Ikaw, Onlooker, dami mo nang akusasyon sa lumang TAC. Hindi tama yan. Anong baho ng TAC eh ang bango-bango ko nung lumabas ako dyan. Amoy baby cologne. Hehehe.

Pero, cool ka lang. Walang suntukan at basagan ng bungo. Nagsisimula pa lang ang paglalakbay nyo. Enjoy the roller coaster ride. Walang pikunan…

[ # 1684 ] Comment from stiban_graffiti [February 16, 2008, 4:02 pm]

Behave…

[ # 1687 ] Comment from stiban_graffiti [February 16, 2008, 4:13 pm]

Ako, wala akong alam na martial arts, kumakain lang ako ng tao.

[ # 1690 ] Comment from stiban_graffiti [February 16, 2008, 4:18 pm]

Hehehe. sports lang tsong. ngayon alam mo na kung paano masaktan. unang isyu nyo pa lang yan, apektado ka na. paano pa kaya kung ipasara ang dyaryo?

[ # 1693 ] Comment from stiban_graffiti [February 16, 2008, 4:23 pm]

For the Adamson Chronicle!

[ # 1700 ] Comment from Mikaela [February 16, 2008, 5:02 pm]

Amoy dugoh!!!wehehehe!

kidding aside, isa lang naman ang maliwanag, we all care what’s gonna happen to TAC, mahirap nga naman ang kalagayan ng mga editors doing their balancing act of being an editor and a student at the same time… kaya nga siguro naaantig si ONLOOKER and the rest of the board. It will be best to look at the criticisms objectively, kumbaga sa likod ng mga patutsada, may mga pointers din naman na mapupulot. At the end of it all, TAC pa rin ang makikinabang at ang mga Adamsonians, kahit gaano pa man sila ka-apathetic.

To the new guys, keep your head up… i am sure you guys will earn the respect.

[ # 1708 ] Comment from Arlene Villaluz-Paredes [February 17, 2008, 1:14 am]

Hi, This is Arlene Villaluz-Paredes, the technical adviser of the Chronicle. I’d like to put an end to this issue. Let me start with PBB, it was on the Entertainment page, the article did not glorify the show, it merely reported the fact that it was a hit. It was just a review. I do not see anything wrong with it. You criticize it as if it were in the Opinion page. To the ex EIC’s and the former writers please do not take it out on the new editorial staff. They are still learning. If you’d like to contribute to their growth, give constructive criticisms not criticisms that lambast and hurt their young minds. You were once young writers, and you must know how it feels when you’re criticized. It was not the editorial staff’s idea to have an adviser, they simply had no choice. They wanted the paper revived and it was the only way they could have the TAC back. Like you, they do not want an adviser too. As for the much talked about camera, if the last editorial board bothered to submit their financial statement and an inventory of the things that were bought with the TAC fund then we would not be talking about this, the TAC would probably not even have an adviser. If they faced the issues thrown at them head on, the Chronicle would not have been shut down. You can’t blame the administrators for insisting on having a technical adviser, the grammatical errors on the last issues were unforgivable. So please, let us put an end to this bickering, it is not helping the paper at all.

[ # 1712 ] Comment from deity [February 17, 2008, 5:09 am]

Hello Arlene! Mind telling Onlooker that I am actually a very sweet person? =D

[ # 1721 ] Comment from Arlene Villaluz-Paredes [February 17, 2008, 11:14 am]

Hi Goddess,

I’ll let him know.

[ # 1749 ] Comment from invaderzim [February 18, 2008, 4:01 pm]

HMMMM….SBHIN NTENG 4 1/2 YEARS AKO SA CHRONICLE PERO WALA AKONG NABALITAANG “NAGKAROON NG SARILING CAMERA ANG TAC” KUNG NARINIG MO LANG ANG BALITA NA MAY CAMERA ANG TAC AT ITO AY NINAKAW..NGAYN ALAM M NA KUNG GAANO KAHALAGA ANG PAGABBALITA NG MAAYOS AT TAMA,DAHIL KAPAG ITO AY HNDI NAIHAYAG SA TAMANG PARAAN AT TAMANG LUGAR,,,MAGIGING TAE ITO NA IBABATO SA IBANG TAO NA HNDI MO ALAM NA TAE PLA YUNG HINAWAKAN MO.HINAWAKAN M MUNA BAGO ITO DUMAMPI SA IBA,BE SURE MUNA KUNG TAE NGA…OR HNDE ANG NAKUHA MONG BALITA…NGYN SOBRANG KAPAL LNG TALGA NG MUKHA KO PARA MANGHIRAM NG CAMERA SA MGA BARKDA KO PARA MAY MAGAMIT ANG ANG TAC NA PHOTOGRAPHERS/ARTISTS/WRITERS/LAYOUT ARTIST/ONE-MAN-DEPRTMENT/TAMBAY AT KUNG SINUSINU PA NA BUMUBUO NG TAC KASAMA NA ANG PINAKAMAMAHAL NAMENG IPIS,…NGYN NMN,KUNG NAGBIBILANG NA KYU NG MGA PAGHIHIRAP NYU SA PUBLIKASYON NA YAN AT ISUSUMBAT OR IPAMUMUKHA NYU SA MGA STUDS NA GANYAN KHIRAP ANG TRBHO NG TGA TAC,,BETTER STOP IT NA PARE,HNDI LNG KZ MGANDA MARINIG.PARANG ANG YABANG NG DATING KZ EH..OKZ??? (PANU BA MAGLAGAY NG SMILEY DITO??)ANYWAY
SANA WELCOME PA AKO SA OFIZ NYU/NATEN PARA MAKAPMAHAGI NG MGA NATUTUNAN,NALAMAN SIKRETO AT IBA PA MULA SA KARANSAN KO SA TAC,SANA PEDE KONG MAMEET ANG GRAFIX DEPT..OKZ??? (SMILEY ULIT) PEACE OUT!!!

[ # 1765 ] Comment from tikgirl [February 19, 2008, 5:08 pm]

hahaha. may galit ka ba sa akin onlooker? sana isa akong alagad ni Astura para mapatunayan ko yung sinabi mong si ao nagkakamali. wahaha

ikaw ha, masama yan. nanonood ka ba ng “hoy gising!” dati? kung di mo naabutan, let me remind you. ang laging sinasabi ni ted failon doon eh “bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit, ang pikon ay laging talo.”

keep your cool man. at hnd reason ang pagiging drunk to be pointless. uy, machismo yan! hahaha

bata ka pa, madami ka pang pwedeng gawin. chill ka lang at wag mong personalin lahat ng maririnig mo. ang sensitive mo naman… (grin)

[ # 1775 ] Comment from VS [February 20, 2008, 3:18 pm]

onlooker:

YOU DON’T HAVE ANY RIGHT TO LAMBAST THE PREVIOUS THE ADAMSON CHRONICLE!!! YOU DON’T KNOW WHAT YOU ARE SAYING!! YOU HAVE NO IDEA, EVEN A BIT, NADA.

“Makikita sa aming mga pahina ang pinagsanib na lakas naming sasampung estudyante (Ilan ba ang miyembro ng lumang TAC? Sumahin niyo nga ang mga ulong nagtatrabaho dati batay sa kanilang produksyon, sabay tignan ang iilang ulong taong gumagawa ng trabaho ng pang-maramihang tao ngayon), at hindi madali sa amin ang makakakuha ng impormasyon para sa aming mga sulatin. ”

THE MERE FACT THAT YOU ARE ASKING ABOUT THE NUMBER OF TAC MEMBERS BEFORE THAT’RE WORKING IS A CLEAR EXAMPLE OF A BLIND ACCUSATION. WHY ARE YOU COMPARING? DON’T YOU KNOW THAT YOU ARE NOW IN THE SAME ORGANIZATION WHERE A LOT, A LOT OF STUDENT WRITERS HAVE BEEN THERE BEFORE YOU? YOU ARE POISONING YOUR OWN BLOOD, ONLOOKER. AT PARA PATULAN ANG IYONG TANONG (SINCE YOU’RE NOT WELL-INFORMED YET), THERE WAS A TIME WHEN ONLY 3 MEMBERS MADE THE DYARYO. TAMA, YOU READ IT RIGHT, 3. THIS ISN NOT PARA MAGYABANGAN TAYO HERE (WHICH I KNOW NA IT’S NOT HEALTHY. THIS IS JUST TO RUB WHAT YOU THINK)

Kung babalikan na naman natin ang issue na TFI, parang walang nabago sa lumang Chronicle. Hindi na namin bubulatlatin isa-isa ang bawat sentimong nadadagdag dahil mas marami naman kaming maisusulat dahil sa pagmamatyag namin sa mga pangyayari sa paaralan. Hindi lang kami nagkukulong sa SV Penthouse at naghihintay ng maliit na butas na papalakihin, o sisibakin sa veranda.

HINDI MO MABABALIKAN ANG NAKARAAN, ONLOOKER. YOU’RE NOT IN THE SITUATION, MUCH LESS IN THE SCENARIO. (AS YOU LACK RESOURCES FOR SOME “FEEDBACKS”). MAS MARAMI KANG MAISUSULAT? IT’S NOT WITH THE QUANTITY, IT’S MORE OF QUALITY (THIS CAN’T BE JUDGED AS YOU DIDN’T EXPERIENCE WHAT WE’VE BEEN THROUGH. EXPERIENCES TEACH US).

Hindi kami mga tuta ng administrasyon. Oo nga’t nakakasalamuha namin ang matataas na mga tao sa unibersidad, pero wala kaming nakukuhang pabor sa kanila. Mabuti pa ang sinaunang Chronicle, nasa kamay ninyo ang pera na binabayad ng mga mag-aaral. Malaya kayong gawin ang kahit ano sa opisina, kahit magpakain kayo ng buong sambayanan galing sa ref (Aba’y may dish organizer pa. LOL!), o magkainan sa dilim.

SUCH PETTY AND BLIND REMARKS! YOU ARE IN NO POSITION TO SPEAK ABOUT’ ADMIN’S TUTA’ IN RELATION TO TAC FUND. PABOR? ANO’NG PABOR? TAMA, PERA NG MGA ESTUDYANTE ANG NAGPAPATAKBO NG TAC DAHIL ITO AY ISANG ORGANIZATION PARA SA MGA ESTUDYANTE AT GAWA NG MGA ESTUDYANTE. IN BETWEEN EACH TERM E NAGLALABAS ANG TAC EDITORIAL BOARD NG STATEMENT OF ACCOUNT KUNG SAN NAPUPUNTA ANG PUBLICATIONS FEE (AGAIN, YOU’RE NOT INFORMED). OO, MAY DISH ORGANIZER TALAGA. WONDERING WHY ONLOOKER? (JUMPING INTO CONCLUSIONS - THAT’S POISONOUS!) EVER HEARD ABOUT PRESS WORK? HAY!

Naisip ko nga, mas mabuti pa ang magiging estado ng pamumuhay ko kung sumama na lang ako sa nagtatambol bawat laro, kaysa magpakapagod manood, magsulat, at maglitrato ng sabay-sabay na wala namang kapalit kundi pera at oras na sinasayang

FROM THE START OF THIS ARTICLE E NAGREREKLAMO KA NA ONLOOKER. MIGHT AS WELL TRY WHAT YOU ARE SUGGESTING TO YOURSELF…

Teka, di ba may Chronicle issue nasa likod ang Editorial page? Sinong may mas matinding pagkakamali, kami o sila?

OO MERON NGA (OF COURSE, OLD CHRONICLERS WILL KNOW IT. OLD BUT NOT FADING AND WON’T). EVER HEARD OF ARTISTIC JOURNALISM LAY-OUT CUM CONVENTIONAL/LIBERAL EXERCISE?

Sa mga minamahal kong mga alumni, sana maintindhan ninyo na kami ay nagsisimula pa lamang. Kami ay mga estudyante rin, at binabalanse lamang namin ang natitirang oras namin sa pagsusulat. Hindi kami full-time reporters, at lalong wala kaming compensation. Pawis at dugo ang tumutulo sa amin para lang mabuhay at maibigay sa abot ng aming makakaya ang papel na minsan ng namatay.

PAWIS AT DUGO? THAT’S AN OLD BUT STRIKING LINE FROM ONE OF MY COLLEAGUES. WE’VE HEARD ABOUT IT. NAMATAY? HINDI NAMATAY AT MAMAMATAY ANG CHRONICLE. IF YOU THINK IT DID, I CAN’T BLAME (KASE DI PA NAGBU-BLOOM ANG “VEINS OF A WRITER”) BUT FOR US IT DIDN’T AND WON’T DIE.

I WAS REALLY HURT BY YOUR ARTICLE. NOT BECAUSE IT CONTAINS SHADES OF TRUTH (BECAUSE THERE ARE NO SHADES AT ALL) BUT BECAUSE YOU ARE IN THE SAME ORGANIZATION WHERE “GREW UP”. HURLING BASELESS ACCUSATIONS IS HURTING. IF YOU’RE WITH TAC SIGURO OK LANG BUT YOU HAVE NO IDEA HOW WE LOVE THE ORGANIZATION. NO IDEA AT ALL. NONE.

YOU CANNOT SAY THAT THE OLD CHRONICLE IS DETACHED FROM THE NEW ONE. IF YOU WANT TO DETACH IT, CHANGE THE NAME OF TEH STUDENT NEWSPAPER. THE MERE FACT THAT YOU CARRY THE SAME NEWSPAPER NAME SPELLS THE CONNECTION OF THE TWO. ACCEPTING YOUR SOORY ONLOOKER. DAMAGE HAS BEEN DONE.

HI MAM ARLENE, IT’S GOOD TO KNOW THAT YOU ARE THE TECHNICAL ADVISER. I KNOW YOU KNOW HOW IT FEELS.. (WELL, HE SAID HE WAS DRUNK, OK). NAGING “PERSONAL OF TAC” ANG ATTACK NYA. WE’RE HERE TO HELP/ASSIST THE NEW BOARD NAMAN. THAT IS THE BOARD WANTS THE ASSISTANCE. HE STARTED IT ALL, HAY. ANYWAY, GOOD TIMES AHEAD FOR TAC, HAHAHA!!!

LET US NOT BURN THE BRIDGES. HAIL THE ADAMSON CHRONICLE. MABUHAY ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG!!!

[ # 1776 ] Comment from whitegarapata [February 20, 2008, 3:34 pm]

Yung tatlong miyembro na sinasabi mo VS, parang kilala ko yun ah…yung isa, mukhang chinese na mahilig laruin ang mahabang buhok niya, yung isa katunog na teban, at yung pang huli, naku, sa lupit nitong mag sulat kahit tulog kayang mag edit ng artikel. wehehe

siguro nakaranas ka ring magkape na may nakalutang na ipis sa tasa ..wehe

yibaa…

[ # 1777 ] Comment from deity [February 20, 2008, 4:10 pm]

Dear Vs,

I believe Onlooker wrote this entry in retaliation to a previous post, which offended him and the rest of the new staff deeply. Perhaps he wrote those “blind” allegations in deterrence to criticisms. They’re young, novice, neophytes to the NEW WORLD that is TAC. Let’s give them that.

Let’s forgive Onlooker for typing drunk.

[ # 1791 ] Comment from VS [February 21, 2008, 3:26 pm]

ur irght whitegarapata. hahaha!!!

[ # 1793 ] Comment from Rastafariana [February 21, 2008, 6:08 pm]

Ako rin kilalako ung tatlo na sinasabi mo,wehehe!ung mukhang chinese trichotillomaniac un! haha!ano,reunion tayo paguwi ko dian ha!

[ # 1803 ] Comment from VS [February 22, 2008, 4:04 pm]

sige, reunion tayo, hahahha!!!!

[ # 2086 ] Comment from dentorrecampo [April 9, 2008, 9:59 pm]

greetings of peace, everyone!

by now, members of this school year’s editorial board would have gotten past the anxiety/ excitement of the maiden issue-and hopefully, with this issue of “facing up to criticism” settled as well (pls. see related article here of the same title-plugging hehe)

arbee here (madman to us, but that’s another story) speaks from experience and we both had the pleasure of working together, facing a similar storm at another time. all that for the love of chronicle and writing. he went on to become a journalist of the truest sense, so if you guys need pointers, look him up. (arbee, you may be able to help joebert in unearthing ancient issues of the chronicle. usap na lang kayo through this site.)

in fact, why not hold a series of sessions with the alumna who are still very much around? the iconic joebert lazarte of this website, for example, is a veritable wellspring of literature. or you may want to entertain the idea of accepting writeups from previous writers who may now be offering slightly different perspectives with their new role/s in life? the possibilities are endless and a lot better than engaging in another war of words. (those overseas like myself can contribute in some other ways, and we can talk about that as well moving forward.)

and finally, as we once held the privilege, today’s writers are in a very unique and challenging position to probe these harsh times-as a student and as a representative of your generation. wield that power, guys, and seize your moment. that is what makes a chronicler a chronicler.

[ # 3124 ] Comment from marl_lytz [August 5, 2008, 9:18 am]

mas maganda pa din yung mga dating chronicle, kasi yung bago, sumusunod lang sa OSA, kung ganun din naman, anong pinagka-iba ng TAC sa ugnayan. tapos yung mga contents, parang wala lang, di mo pag-aaksayahan ng oras basahin. pero kung may pinakamagandang student publication sa AdU eh yun ng The Nightingale ng College of Nursing. grabe sa sobrang ganda, hahanapin mo yung editor-in-chief at sasapakin mo. grabe, after naming basahin yun ng mga friends ko, humanap talaga kami ng red pen at binilugan namin lahat ng mga grammatical errors. ano kayang ginagawa ng mga editorial board nun?! nakakahiya.

Write a comment






Join Or Log-in
Subscribe
Contact Us
Send your tips, comments, suggestions to: magnus@adamsonian.com
Donate to Adamsonian
Feel free to donate any amount so we can buy a 150cc all-terrain vehicle and a Boyoyong clown that we can use to promote this site around campus.
Live Chat
Latest Message 1 week, 6 days
  • chan : 3rd yr pa lang sila nahahawakan ng mga prof sa ece
  • chan : tsaka wala pang hawak ang mga ece faculty pag first yr
  • chan : archi ang may hawak ng autocad
  • chan : try to read word for word yung blog
  • chan : alam mo kevi_ a, hindi ece ang bulok sa adamson
  • kevin_a : Gusto ko sana mag-aral ng ECE sa Adamson kaso sa nakikita ko sa site na to, bulok pala ang ECE sa Adamson.
  • jetalarcon : Hi i just joined this site, and i'm having a hard time to post my own blog. Panu po ba? tnx
  • jetalarcon : ayos lang normal lang naman. makulit parin ung traffic enforcer sa pedestrian ng st-sv building
  • jddumawa : kamusta na po ang adamson? isang ordinaryong alumnus lang po ako ^^ bs bio grad
  • berthingy : aus sana kung sila tlga gumawa eh.. kaso bilib lng tlga ko kay kuya joel.. he3! tska ang lakas nyo tlga sa ABS no, try nyo namn sa ibang tv station.. malay niyo mauto nyo si mike enriquez.. he3! kung ako un, wla akong mha2rap na mukha sa national TV kasi PAGAWA lng ung project ko.. pero kau, mga MEGALOMANIAC kau eh, kaya malamang wlang epekto un.. he3!
  • Edrey : mga classm8s... cnu nkaka2lam kung anung software ung ginagamit ng adu s pg integrate ng grades nten... tska anu ung technological advantage nten s ibng univer... ok lng khit software o hardware... hehehe. assignment lng nmen....
  • mafia_27 : elowwww
  • MARIFE : evry1's nvytd 2 b a guest n Toastmasters Demo @ 1-3PM on Dec4, Eng'g Conf Rm, 2/F Ozanam Bldg..NO FEES 2 b collectd, c how FALCONS can SOAR HIGHER thru TOASTMASTERS!
  • marie : pnu b ilagay e2 s fs??
  • ambut_jerome : hahaha..falcon lets GO!
  • invaderzim : naloko ako nun.excited pa nmn ako sa bagong ish.
  • invaderzim : at mukhang chronicle ang adamson news.hahaha
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : yung radio ng adamson sa loob ng adamson.
  • invaderzim : heheeh
  • invaderzim : hrm
  • invaderzim : bago?hmmm...
  • Deity : pssttt! anong bago sa Adamson? !
  • tsunade : umayos kayo mga ece studes
  • esorieam : nangungulit lang
  • esorieam : pano mag-post sa live chat?
  • boldstar.AdU : konting common sense bro erebus! para kumita ang blog or ang isang site, kailangan maraming bumisita para makita yung mga ads, kung walang bibisita, mawawala ang ads, mawawalan ng kita yung site at magsasara.. paano na? paano na lalabas ang mga loser na kagaya nyo? hahaha.. sore loser!
  • boldstar.AdU : @erebus.hehehe.. di tayo pwede i-block ni admin, e di hindi kumita tong site kung mawawala ang bibisita dito?
  • eCe_bOsEs : jc, kita kits tau skul bukas....
  • eCe_bOsEs : aba erebus.. cnu ka ba sa tingin mo ha?? cnu nagbigay sau ng karapatan na paalisin kami.. wala kang karapatan at kahit kelan ndi ka magkakarun...hahaha...
  • erebus : ang blog na ito ay hindi joke, i hope that da admin of this blog will blocked ece boses etc.
  • eCe_bOsEs : bad magsabi ng pangalan boldstar_Adududu!!! baka ma-karma ka nyan...
  • boldstar.AdU : hahaha.. machong bading! ralph corsiga.. hahaha..
  • epalbusters : PANAWAGAN: wag kayo magpatulong kay jc, ano naman itutulong ng mga yan, puro blogs lang alam nyan, sa academics,wala, as in wala, nagkukunwari lang na may alam pero wala naman,
  • jctronix : @epalbuster: say what you want..manawagan ka pa..alam naman ng mga nagaavail ng tulong namin kung ano talaga ang ginagawa namin..kahit na wala naman kaming natatanggap na kung anu man..
  • jctronix : @boldstar: nyehehe..lol!
  • boldstar.AdU : bukayo.. hehehe..
  • boldstar.AdU : bukayo.. hehehe..
  • boldstar.AdU : bukayo.. hehehe..
  • epalbusters : i know u always change,ikaw yata ang makapili ng dept.wag kayo magtiwala kay jc, doble-kara yan,kung saan may pakinabang, dun yan, great pretender
  • boldstar.AdU : away na to. hahaha..
  • jctronix : @epalbuster: i dont know kung paano mo nasabing anay ako. as far as i can see it tumutulong lang nman kasi ako. pero kung may point ka naman I would gladly change. sabihin mo lang kung ano yung nagpa-anay sakin..thanks!
  • jctronix : si mam de ocampo prof ko ng controls pero last 2 sems na ata..parehas tayo ng exams ng finals as others noted
  • jctronix : @erebus
  • epalbusters : mag aral ka maigi erebus, dont spend your time in blogging, lalo kang babagsak nyan..study your lesson well..
  • epalbusters : ingat sa paglalakad, baka madapa ka
  • epalbusters : hello erebus..tapang mo ah..tingin-tingin ka lang sa paligid mo, ikaw din..kilala ka na yata..
  • erebus : managinip ka
  • erebus : hahaha
  • erebus : hoy jc mukha mo naka enroll ka sa control

Please log in to chat

Most Commented Posts
Community
Recent Posts
Recent Commentors
Members
    2145 registered users
    243 online guests
Slashdot Headlines