Categories
Archives
Affiliates
  • Adamson University
  • AdU Computer Society
  • Alas Filipinas
  • Ang Sa Wari Ko
  • Backpacking Philippines
  • Crossbeak
  • Ellen and Blair
  • Erwin Ilao’s Own Legacy
  • Kronikel
  • Mickee
  • Musings, Mutterings, Murmurings
  • Raul Agner
  • Skirmish of Dark and Light
  • Skirmisher
  • Stellar
  • The Deity
  • The Onlooker
  • Tutubi
  • Unleash the Balderdash
Misc


Real world: level one
December 19th, 2007 posted by Shekhinah under Campus Issues, Criticism

Di ba maangas kapag narerecord mo ang bawat segundo ng buhay mo? Wala lang. Para mapagtawanan mo ang mga nakakahiyang sandali at pag-aralan kung saan ka ba nagkamali. O kaya kilalanin ng mabuti ang pagmumuka ng mga taong nakikiukit ng iyong pagkatao sa pamamaraang hindi naman masyadong nakakakiliti? Ewan.

Fourth year. Ngayon, andito na ko sa puntong malumanay kong hinahakbang ang unang pagtapak ko sa loob ng real world. Dala ko ang aking bag na walang ibang laman kundi ang pag-asang pag labas ko ng unibersidad, makakapagsulat ako sa pinakapinagkakatiwalaang pahayagan sa buong Pilipinas o makakapagtrabaho ako sa isang magandang kumpanya na may sweldong masasabi kong katapat ng mga unong nakukuha ko. Tinatanaw ko sa dulo ng aking kamalayan na pagkalipas ng apat na buwan, magiging manunulat ako at mababago ko ang lipunan gamit ang mga ideyalismong natutunan ko sa loob ng Adamson. Kasama ang mga kaibigan ko, hahabi kami ng isang kwento na isasa-pelikula at ito ang gigising sa dugo ng mga tamad na kabataang Pilipino nang sila’y ganahan sa kanilang pakikipagsapalaran sa ngalan ng diploma at karunungan. Oo, pangarap at optimism. Ano bang inaasahan mo sa isang estudyanteng malapit ng makatapos? Uy, assuming!

Anim na buwan na ang nakalipas, sinimulan kong kumatok samala-gintong pintuan ng real world. Sa ibaba ng pintuan, may kulay pink na welcome mat. May apat na pulang ribbon tas may smiley pa. Naks. Napangiti ako. Binuksan ko ang pinto at sumilip sandali. Umasa akong may babati sa akin ng “Magandang Umaga!” o kaya magsasabi na tumuloy ako sabay aabutan ako ng kape. Pag-asa na nga lang siguro dahil sa unang pagsilip ko tumambang sa akin ang isang napakalaking sign board na nagsasabing: “GAWIN MO ANG DAPAT MONG GAWIN AT BILISAN MO!” Walang welcome party, walang banner ng pangalan ko, wala ring getting to know each other. Parang pumasok ka lang sa silid-aralan para ipagyabang ang bago mong uniform, bag, lapis, papel at may baon ka pang Zesto at Happy house tas ang sasambulat sa’yo ay ang teacher mong nagsusulat ng math problems sa pisara habang ang mga kaklase mo ay nangungulot ang mga noo sa pagsagot. Ni wala silang panahon tumigil at tumingin sa direksyon mo. Posibleng may lumapit sayo pero hindi para gabayan ka papunta sa iyong upuan kundi para asarin ka dahil baliktad ang pagkakasuot mo ng sapatos mo. Minsan, yung teacher mo pa mismo ang gagawa nun. Tas pagtatawanan ka ng buong klase. Mga five minutes. Tas wala na ulit silang pakialam sayo. Oo, parang coming of age na pelikula sabay anti-climactic. Hindi ka uuwing luhaan. Hindi ka uuwing nakatawa. Uuwi kang tulala. Matutulog tas mangangarap ulit.

Totoong importante ang oras, bawat segundo ay katumbas ng ginto na pinaghihirapan mo upang manatiling nakatayo. Simula pa lang, isang napakahaba ng karera ang tingin ko sa buhay. Akala ko nun, yung mga kasabay mo lang ang may kakayahang pumatid sayo. Sa unang pagsilip ko sa real world, nalaman ko na ang mga nakarating sa finish line at pabalik na ay may kapangyarihan ding gambalahin ang karerang gustong-gusto mong ipanalo. Ngayon, natutunan ko na ang “pinball” ay isa sa mga bagay na dapat kinakalimutan sa sandaling maramdaman na ng anino mo ang latay ng mga bihasa na sa real world. Mababaw lang ang pinball pero walang puwang ang kababawan sa sinasabi kong mundo. Sa real world, matututunan mong isang malaking pang-uuto ang lahat ng natutunan mo sa mundong kunwari ay naghubog sayo. Kasi dito, hindi importante kung 1.2 ka sa editorial and column writing o kung aspiring writer ka pero naka-take two ka ng world lit- hindi sila interesado sa kasaysayan ng TCG mo. Sa totoo lang, wala silang pakialam sa buong kasaysayan ng pagkatao mo. Parang back to zero ang lahat dahil sa sandaling kumatok ka sa pintuan ng mundong ito, garantisadong hindi ka kaagad nakatayo. Gumagapang kang sasalubungin ang mga mapang-mata na magpapamuka sayo na ang pagsasalita ng banyaga ang magsasabi kung maituturing ka bang diyosa.

Hindi ko alam kung gano katagal ang paggapang ko, pero alam kong hindi uso ang kaibigan sa mundong ito. Walang lalapit sayo para itayo ka. Kawawa ka lang kung hindi mo babaguhin ang mga pananaw mo. Kung sa simula pa lang susuko ka, pangarapin mo na lang na maging contestant sa Wowowee. Hindi ko din alam kung may hagdan bang dapat akyatin para
tingalain ka ng marami. Bahala na. Kung sampung taon pa ko dapat gumapang, walang problema. Isa lang ang panghahawakan ko, mabilis akong matuto. Hindi ako mababawasan sa lahat ng maririnig ko, gano man kalalim ang pagkakabaon nito sa akin. Hindi ako mababawasan, madadagdagan ako. Sana lahat ng fresh graduates ay matutong magsimula sa ibaba ng may bukas na isipan at disiplina sa sarili.

Gusto ko sanang ipakita sa’yo yung nasilip ko sa real world pero mashadong naging mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na-record. Na-kwento ko naman di ba?! Kung gusto mo, sabay tayong kumatok. Hawakan mo ang kamay ko at hahawakan ko ang kamay mo. Magtawanan tayo. Lubus-lubusin natin ang natitirang sandali na magpakalunod sa lambot ng mga pinapangarap nating ulap. Tutal, fresh grad naman tayo. Pero sa oras na bumukas ang pinto at naiapak na natin ang ating unang hakbang, talo-talo na ha?

Reference:
OJT sa 96.3 WRocK, Philippine Daily Inquirer at One Media, Inc.



About the author:

Shekhinah has blogged 1 posts


Read the Comments

[ # 1472 ] Comment from Deity [December 19, 2007, 3:14 pm]

welcome to the real world -
the so called dog-eat-dog race!

walang personalan, trabaho lang.

Write a comment






Join Or Log-in
Subscribe

    Or subscribe to Adamsonian by Email
Contact Us
Send your tips, comments, suggestions to: magnus@adamsonian.com
Donate to Adamsonian
Feel free to donate any amount so we can buy a 150cc all-terrain vehicle and a Boyoyong clown that we can use to promote this site around campus.
Live Chat
Latest Message 1 day, 22 hours
  • invaderzim : The past is dead. Those who do not change will die.
  • diko38 : stressec
  • invaderzim : so baka next sem,tataas nanaman ang tuition.dahil tataas nanaman ang level ng skul.kung makapapasa nga.hehe
  • invaderzim : kazi may accreditation pala ang adu.hehe
  • invaderzim : ayun,ginawang alipin kahapon ang mga studs.pinaglinis ng skul.pinagpintura, walis,linis,pintura,etc. kapalit nun eh pagpasok ng nakacivilian at walang klase.(daw?)
  • anNe : musta adamsonian?
  • anNe : ;p
  • anNe : :p
  • invaderzim : ?
  • paniking_gutom : may naka sign in ba??
  • Ramon Millonte : hi
  • invaderzim : eh?
  • adventurera : musta?
  • paniking_gutom : may ganito pala dito.
  • paniking_gutom : hmmm.
  • adventurera : haha cge ayos yan
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : bago ako grumad aakyat din ako eh.sana
  • invaderzim : cge cge
  • adventurera : haha yan saya bago magsembreak punta ko
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : yeah!
  • adventurera : haha smahan mo ko. kitakits tau nila jes
  • invaderzim : heheh
  • invaderzim : hehe,,hmm...oo?umakyat nko last time eh.kaso tatlo lang ata naabutan ko eh.si jen yungisa dun.gusto ko rin kasi mameet ang mga taga grafix dept.
  • adventurera : mababaet naman ang mga bagong chroniclers db? hehe sana tumatanggap cla ng unwanted visitors
  • invaderzim : dehinz mo nmn kelangn ng old id.bisitors pass ayuz na,sbhin mo dadalawin mo lng mga taga sshhronicles.
  • invaderzim : ahahahaha..infaltable? pede naren!!!
  • adventurera : basta kuha niu ko bwisitors pass magpapacheeseburger tuloy ako hehe
  • adventurera : haha inflatable na camle
  • invaderzim : buhay ba?baka mamya nakalata na yung iuwi mo eh.
  • invaderzim : woiy!!talga?camel???
  • adventurera : haha kuha niyo ko bwisitors pass wla na ung id ko eh... uuwian ko ng camel ang magppasok skin ehehe...wish ko lng
  • invaderzim : hehe,hmmm..pede nmn cgro yun.sana lang tumatanggap sila ng mga thunders?hehe thunders naren ba ako?haha
  • adventurera : pwde bang bumisita sa tac? gusto ko ulit makita ang view sa penthouse haha... kelan sembreak?
  • invaderzim : heto ayuz namn?kamusta ofiz?pede bang bumisita
  • invaderzim : hahaha..hinde...kasi..hindi nmn ako ganun!haha.
  • THE ONLOOKER : @invaderzim: Bakit hindi ka ba komportableng tawaging pogi? Hehehe! Musta?
  • invaderzim : eh?
  • THE ONLOOKER : @adventura: Laglag na tayo sa UAAP. Ateneo vs. DLSU na sa Sunday.
  • THE ONLOOKER : Kumusta na ang pogi at magaganda kong mga schoolmate at mga kagalang-galang na alumni?
  • adventurera : anu b latest?
  • adventurera : ano na latest?
  • invaderzim : W L Ateneo Blue Eagles : 7 - 1 De La Salle Green Archers : 6 - 2 FEU Tamaraws : 5 - 3 UE Red Warriors : 5 - 4 UST Growling Tigers : 4 - 4 Adamson Falcons : 2 - 6 UP Fighting Maroons : 2 - 7 NU Bulldogs : 2 - 7
  • invaderzim : huh?kasali pba adamson sa uaap?kala ko nag-inter baranggay nalng sila?
  • mayilow : wala nakakahiya. Dont ask na lang dont bother just concentrate on your studies.
  • spider_sense07 : anu na po standing ng AdU s UAAP?
  • spider_sense07 : hi adamsonians
  • bedshaker : anu na pagusapan
  • bedshaker : ui

Please log in to chat

Most Commented Posts
Community
Recent Posts
Recent Commentors
Members
    794 registered users
    226 online guests
Slashdot Headlines
    • New Bill To Rein In DHS Laptop Seizures

    • Google’s Obfuscated TCP

    • The Blending of Music and Games

    • Air Force To Re-Open Pursuit of Cyber Command

    • Give Up the Fight For Personal Privacy?

    • Overclocked Memory Breaks Core i7 CPUs

    • Buffalo Tech Gets New Trial On Wi-Fi Patent

    • Anti-Terrorist Data Mining Doesn’t Work Very Well

    • TiVo PC Could Be a Game-Changer

    • How Mobile Phones Work Behind the Scenes